^

Punto Mo

Mouse trap

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAKASILIP ang daga sa butas ng kanyang pinagtataguan. Nakita niyang may binubuksang kahon ang magsasaka at misis nito. Nasa isip ng daga ay pagkain ito na maaari niyang nakawin kapag tulog na ang mag-asawa kaya hinintay niyang mabuksan ang kahon. Anong gulat ng daga nang makita niyang mouse trap ang laman ng kahon!

Nagtatakbo siya sa labas para magsumbong sa mga hayop na alaga ng magsasaka. “May mouse trap sa loob ng bahay! Delikado ang buhay ko. Anong gagawin ko, mga kaibigang manok, baboy at  baka?”

Nagkibit tuka lang ang manok, ipinagpatuloy ng baboy ang pagngasab at napa-unga lang ang baka sa ibinalita ng kanilang kaibigan. Ano bang pakialam nila sa mouse trap? Hindi naman nila ikamamatay ‘yun.

Napaiyak ang daga sa kawalan ng concern ng mga itinuturing niyang kaibigan. Mag-isa lang niyang haharapin ang problema. Kinabukasan ay isinugod ng magsasaka ang kanyang asawa sa ospital dahil nakagat ng ahas. Ang buntot ng ahas ay naipit sa mouse trap. Nagkataong dumaan ang misis malapit sa mouse trap kaya naabot ito ng ahas na asar na asar dahil sa pagkakaipit niya.

Habang nasa ospital ang misis ay kailangang kumain nito ng masustansiya kaya pinatay ng magsasaka ang manok para gawing chicken soup. Nang iuwi ang misis sa bahay ay nagdatingan ang mga kamag-anak para sila ang maghalinhinang mag-alaga dito. Ipinasya ng magsasaka na katayin ang baboy upang may sapat siyang pagkain na maihain sa mga kamag-anak. Subalit sa kasamaang palad ay lumala ang kalagayan ng misis at namatay kaya’t kinatay na rin ang baka para ipakain sa mga taong  makikipaglamay.

Kung pinakialaman ng manok, baboy at baka ang problema ng daga, sana ay hindi na umabot ang problema sa pagkatay sa kanila. Minsan, may mga problemang akala mo’y hindi ka apektado pero kapag kumalat at lumaki pala ang problemang ito ay mukha mo ang unang masasabugan. Kaya maging concern sa problema ng ibang tao lalo na kung hinihingi nila ang tulong mo.

vuukle comment

ANO

ANONG

DELIKADO

HABANG

IPINASYA

KAYA

KINABUKASAN

MINSAN

NAGKATAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with