^

Punto Mo

Lalaki gumastos nang malaki para maisalba ang buhay ng alagang goldfish

- Arnel Medina - Pang-masa

SUKDULAN ang pagmamahal ng isang lalaki sa United Kingdom para sa kanyang alagang goldfish kaya naman gumastos siya ng £300 para mailigtas ang buhay nito.

Napansin ng lalaki, na hindi na pinangalanan sa balita, na hindi mapakali ang kanyang alagang isda kaya dinala niya ito sa beterinaryo upang maipasuri. Napag-alamang may malubha itong kaso ng impatso na maaring ika­matay nito. Sinabihan ang lalaki na kakailanganin ang isang operasyon upang masigurado na hindi mapapasama ang kondisyon ng kanyang alaga.

Pumayag ang lalaki sa payo ng mga beterinaryo ngunit agad siyang umatras nang malaman niya ang £300 na kailangang gastusin para sa magiging operasyon ng kanyang isda. Kung tutuusin kasi ay napakalaki kasi ng nasabing halaga para sa £3 o P200 na presyo ng goldfish nang bilhin niya ito.

Ngunit hindi rin natiis ng lalaki ang kanyang alagang isda kaya pumayag na rin siyang gumastos ng nasabing malaking halaga upang maisalba ang buhay nito.

Inoperahan ng halos isang oras ang goldfish na tinurukan pa ng anesthesia para hindi ito masaktan sa pag-aalis ng mga nakabara sa bituka nito. Naging matagumpay naman ang operasyon at nagawang makapagpagaling ng isda.

Ayon sa beterinaryong nag-opera sa goldfish ay ngayon lang daw niya nagawang mag-opera sa isang mumurahing goldfish dahil ang £300 na operasyon na kanyang ginawa ay karaniwang ginagawa lamang para sa mga mamahaling alagang isda katulad ng mga karpa.

Umaabot sa 10 taon ang buhay ng mga goldfish kaya masasabing bata pa ang inoperahang goldfish na 2 taon pa lamang.

vuukle comment

AYON

GOLDFISH

INOPERAHAN

KANYANG

NAPAG

NAPANSIN

NGUNIT

PARA

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with