^

Punto Mo

Ang Maserati driver at ang MMDA traffic enforcer

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang umikot ang gulong ng palad sa nasapak na MMDA traffic enforcer na si Jorve Adriatico.

Aba’y sa una, ang dami ng nakisimpatiya rito makaraang mabali ang ilong nito sa umano’y suntok na inabot buhat sa Maserati driver na  si Rusell Ingco sa insidenteng naganap sa lungsod Quezon kamakailan.

Katakut-takot na komento ang natanggap ni Ingco na naiulat pa nga noong una na hinahanting ng pulisya matapos ang insidente.

Ngayon, tila nabaligtad ang sitwasyon, dahil sa sunud-sunod na naglutangan naman ang mga naging biktima nang panghaharas at pang-aabuso umano ng traffic constable.

Bukod pa sa mga patotoo at pahayag ng ilang vendors na nagsabi sa umano’y kagaspangan at bastos umanong pag-uugali nito.

Halos iisa ang sumbong laban dito, ang pagkuha nito ng video sa mga motorista na target ng kanyang istilo.

Nagkataon nga lang siguro na meron siyang nakatapat sa katauhan ni Ingco.

Bagamat may patakaran o kautusan sa ahensiya na pagkuha ng video ng mga enforcer, pero may limitasyon ito.

Ang dapat kunan batay sa patakaran eh yung mga lumalabag sa batas trapiko.

Pero mukhang sumobra si Adriatico sa pagkuha ng video.

Iisa kasi ang sumbong ng mga motoristang naging biktima, na gaya ng pahayag na rin si Ingco.

Idinuduldol daw sa kanilang mukha ang pag-video kahit pa nga hindi naman nito sinasabi kung ano ang kanilang violation, basta ka na lang kukunan.

Aba’y kahit naman siguro sino, eh kung ganito halos tumama na sa mukha ang cellphone na gamit nito, naku eh, nakapag-iinit nga ito ng ulo.

Sa pahayag naman ng maraming mga vendor at driver sa lugar kung saan madalas naka-duty si Adriatico, ang puna nila eh, grabe raw ang pagkamainitin ng ulo nito.

Parang araw-araw umano eh galit ito sa mundo.

Natural lang na suportahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang kanyang tauhan, hindi rin naman marapat na ito ay pisikal na masaktan, pero kailangan din siguro na ma­busisi rin at matignan ang mga reklamong lumutang laban dito.

Baka naman talagang may problem sa enforcer na ito.

Baka naman todo tanggol niya dito, eh may problema naman pala sa pag-uugali at istilo nito.

Ngayon pa lang, ganito na ang asal, naku tapos humi­hiling na na sila ay maarmasan!

vuukle comment

ADRIATICO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

INGCO

JORVE ADRIATICO

NAMAN

NGAYON

NITO

RUSELL INGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with