^

Punto Mo

Manong Wen (110)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKITA ni Princess si Precious sa van. Naka­tali ang mga kamay. Halatang nilagyan din ng tape ang bibig pero naalis lamang nito kaya nakasigaw. Magulo ang buhok ni Princess. Halatang pinaghihipuan ng dalawang lalaki.

“Precious! Anong ginawa nila sa iyo, Precious?’’

“Ate!’’ sabi nito at umiyak. Takot na takot.

“Anong ginawa sa’yo?’’

“Pinaghihipuan nila ako Ate. Kahit man lang daw hipo ay makatikim sila bago ako dalhin sa Binondo.’’

“Mga hayup!” Sabi ni Princess. Mabilis nitong ki­nalag ang tali sa kamay ni Precious at nang makawala ay binalikan ang dalawang la­laking nahuli nila. Dinampot ang arnis at inupakan pa ng palo ang dalawa. Aring­king sa sakit ang dalawa na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nagmakaawa ang mga ito pero walang naririnig si Princess. Si Jo naman ay hinayaan si Princess kung ano ang gagawin sa dalawang kidnaper. Hindi siya makikialam sapagkat alam niya kung gaanong takot ang idinulot ng dalawang kidnapper sa buhay ng magkapatid.

Maya-maya, tinawag ni Princess si Jo.

‘‘Tulungan mo ako Jo. Buhatin natin ang dalawang ito.’’

“Saan sa hukay? Ililibing na natin.’’

‘‘Hindi pa pero darating tayo roon.’’

“Saan natin dadalhin ang dalawa?’’

“Dun sa punong niyog na may bahay ng mga hantik! Igapos natin sila roon.’’

Nang marinig ng dalawang kidnaper ang balak ni Princess ay nagmakaawa ang mga ito.

“Huwag po! Patawarin mo na po kami! Maawa ka po sa amin.’’ Sabi ng isa.

‘‘Naawa ba kayo sa ka­patid ko? Kinidnap n’yo tapos ay pinaghihipuan at dadalhin pa ninyo sa Binondo para ibenta sa mga hayok sa laman.’’

‘‘Inutusan lang po kami ni Chester. Maawa ka po sa amin.’’

Pero wala nang nari­rinig si Princess. Kailangang igawad ang parusa niya sa dalawang lalaki. Kailangang matikman ng mga ito ang bagsik ng mga hantik.

Pinagtulungan nila ni Jo na buhatin ang mga lalaki patungo sa ilalim ng punong niyog. Nagpipiglas ang mga ito pero wala ring nagawa dahil desidido sina Princess at Jo na mapalasap sa kanila ang parusa.

Itinali nila ang dalawa sa punong niyog. Mahigpit ang pagkakatali. Nabulabog ang mga itim na hantik sa pagkakatali ng dalawa. Galit na galit. Naglagitikan ang mga ngipin. Hanggang pagkalipumpunan ang dalawa. Sinimulan silang kagatin. Napasigaw sa sakit ang da­lawa. Nagmamakaawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

BINONDO

DALAWANG

HALATANG

KAILANGANG

MAAWA

PRINCESS

SAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with