^

Punto Mo

Quezon escapade!

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, nagtaping ang Idol Sa Kusina sa aking probinsiya — ang Quezon. Mapapanood ninyo ang dalawang espesyal na episodes namin sa ikatlo at ikaapat na Linggo ng Nobyembre.

Una naming tinungo ang bayan ng Tayabas. Doon kami nag-agahan ng sikat na pandesal na Papay’s na masustansiya dahil sa spinach at malunggay. Sunod ay pinuntahan namin ang Capistrano Distillery na kilala sa purong lambanog nila na 80-90 proof. Iba’t ibang flavors ang kanilang lambanog — may pinya, bubble gum at liputi. Swabe ang sarap.

Habang paalis kami sa distillery, nakasalubong namin ang naglalako ng ube hopia at pilipit na paborito ko. Mainit at bagong luto! Anim na piso bawat isa.

Sunod naming tinungo ang Calle Budin, isang kalsadang puro budin o cassava cake at nilupak. Napakasosyal ng nilupak doon. Nakabalot sa plastic at papel at nakakahon! Ang bawat isang budin ay nagkakahalaga ng P25.00.

Tumungo rin kami sa bakery ng yema cake ng Quezon — ang Rodillas. Napakabait ng may-ari na si Ms. Juliet. Napaka-humble niya sa kabila ng tagumpay sa negosyo. Noong 2007 daw sila nagsimulang magbenta pero nitong 2010-2011 lamang pumutok at naging kilala ang yema cake nila. Last year, naglabas sila ng panibagong flavor — ang caramel cake. Napakasarap! Sa kanilang pagsisikap at kasipagang mag-asawa, nakapagpatayo sila ng dalawang bahay.

Hindi kumpleto ang aming­ pagbisita sa Quezon kung hindi kakain ng pansit habhab na sampung piso kada order. Nakalagay ito sa dahon ng saging at diyaryo at doon ha­habhabin.

Para naman sa resturant style, nagtungo kami sa Buddy’s­ para sa pansit habhab at pansit chami. Pagkasarap-sarap ng mga pansit!

Siyempre ang masarap ipares sa pansit habhab ay ang pinagong ng Sariaya! Cadiz ang pinakamasarap sa lahat ng natikman ko. Buung-buo, mabigat, malutong sa labas pero malambot at maligat sa loob. Lasang lasa ang gatas!

Abangan ang mga pa­salubong na ito sa Idol Sa Kusina!

vuukle comment

ABANGAN

BUUNG

CADIZ

CALLE BUDIN

CAPISTRANO DISTILLERY

IDOL SA KUSINA

MS. JULIET

QUEZON

SUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with