^

Punto Mo

Text message

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

“BASTA kuha namin sa brgy. para DILG at OIS 5k at SPG 5k hanggang matapos fiesta. May butas din ako CIDG Crame, OBC 1,500 at Anti-Fraud 1,500. SOT ng Region CIDG 2k, Remate 3k.”

Ito mga kosa ang text message na ipinadala ni ret. cop Juancho Medalla alyas Jun Milan sa financiers ng mga pergalan sa Calabarzon area. Nais kong iparating kay DILG Sec. Mar Roxas at PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na si Jun Milan ang binasbasan ni Supt. Johnny Ormi, ng Office of Internal Security (OIS) ng DILG para kumolekta ng lingguhang intelihensiya sa Calabarzon area. Maliwanag na ebidensiya ang text ni Jun Milan na si Ormi ay may parating sa illegal gambling at dapat kasama siya sa listahan ng police commanders na “on the take” sa pasugalan. Boom panes! Puwede sigurong ipa-entrap ni Purisima o ipasailalim sa lifestyle check si Ormi alinsunod sa kautusan ni Roxas. Hehehe! Ano ba ‘yan! Akala ko ba may “no take” policy si Roxas sa illegal gambling eh bakit matapang si Ormi na suwayin siya? Naghahanda na kaya si Roxas ng pondo para sa 2016 elections?

May kautusan kasi si Purisima na alamin kung sino sa mga police commanders ang “on the take” sa illegal gambling. At kung kaya ni Ormi na suwayin ang “no take” ni Roxas kay Purisima kaya papasa siya? Open secret naman kasi mga kosa na sina Roxas at Purisima ay hindi magkasundo. May kinalaman kaya si Roxas sa smear campaign laban kay Purisima? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Subalit ang sabi ni Purisima “somebody close to me” ay maaring behind sa smear campaign dahil nabanggit ang property niya sa San Leonardo, Nueva Ecija. Tinitiyak ng PNP chief na naimbitahan niya sa naturang lugar ang nag-leak ng impormasyon sa detractors n’ya. Get’s n’yo mga kosa?

Sa ngayon, sino naman kaya ang posibleng naglalaway sa puwesto ni Purisima? Siyempre, ang una sa listahan ay si Dep. Dir. Gen. Felipe Rojas Jr., ang DCA o No. 2 man ng PNP. Puwede rin sina Dep. Dir. Gens. Dindo Espina at Marcelo Garbo, ang No. 3 at 4 man naman ng PNP. Sino kaya sa mga mistah niya na sina Rojas, Espina at Garbo ang nakapunta na sa San Leonardo? Pero si Rojas ay magreretiro na sa Dec. 8, samantalang sina Espina at Garbo ay magreretiro ilang buwan matapos mag-56 birthday si Purisima sa Nov. 2015. Hehehe! Kayo na ang maghusga mga kosa? Mismo!

Ang ugong sa Camp Crame ay kandidato din sa top post ng PNP si CIDG chief Dir. Benjie Magalong ng PMA Class ’82. Si Magalong ang matatawag kong protégé ni dating PNP chief at Sen. Ping Lacson. At ang CIDG ay meron ding tara sa illegal gambling at si Jun Milan ang nagpapatunay, di ba mga kosa?

Subalit ang alam ng lahat sa Camp Crame, itong si PRO3 director Chief Supt. Raul Petrasanta, ng PMA Class ’84 na ang papalit ke Purisima kapag nagretiro siya. Si Petrasanta ay nasangkot sa missing firearms sa FED subalit  mukhang na-kabawi na siya. At higit sa lahat meron din tanggap na grasya sa illegal gambling si Petrasanta. Ang tanong ngayon: Sino ang nasa likod ng smear campaign laban ke Purisima? None of the above kaya? Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANO

CAMP CRAME

JUN MILAN

ORMI

PURISIMA

ROXAS

SAN LEONARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with