^

Punto Mo

Buwisan ang dapat buwisan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGHIHIMUTOK ang mahigit isang milyong empleyado ng gobyerno dahil ipinatupad na ng BIR ang pagbubuwis sa allowances, bonuses at iba pang benepisyo.

Ayon sa mga empleyado, masyadong pabigat nga naman ang nasabing pagbubuwis lalo na ang hindi naman kalakihan ang suweldo.

Hindi pa malaman kung kakampihan mg Supreme Court (SC) ang mga empleyado na humiling na ipatigil sa BIR ang nasabing pagbubuwis.

Ang dapat bantayan ng BIR ay ang mga kompanya na hindi nagbabayad ng tamang buwis. Mabuti naman at ipatutupad na ng BIR ang tax stamps upang magwakas na ang pandaraya ng napaulat na kompanya ng sigarilyo.  

Dahil sa umano’y pandaraya sa buwis ay nagagawa nitong ibagsak ng todo ang presyo ng sigarilyo na dahilan upang madehado ang ibang kompanya na nagbabayad ng tamang  buwis.

Sa sistemang tax stamps, bawat pakete ng sigarilyo ay mamo-monitor ng BIR kung ito ay nabayaran ng buwis at kung ito ay pinuslit o peke kung walang stamp mula sa gobyerno.

Samantala, ilang grupo ng mga negosyante ang umapela kay Finance Secretary Cesar Purisima na bumuo ng isang independent monitoring body para bantayan ng 24-oras ang mga cigarette manufacturing plants para matiyak na walang nandadaya na kompanya.

Ang business groups ay kinabibilangan ng American Chamber,  Japanese Chamber of Commerce, Fil-Chinese Chamber of Commerce and Industry at Federation of Philippine Industries.

Mahirap tanggihan ni Purisima ang nasabing kahilingan dahil ito ay para na rin sa interes ng gobyerno na makalikom ng buwis.

Kung hindi aaksiyunan ang kahilingan ng  business groups ay baka magbigay ito ng maling senyales sa mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

vuukle comment

AMERICAN CHAMBER

AYON

DAHIL

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

FIL-CHINESE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

JAPANESE CHAMBER OF COMMERCE

MAHIRAP

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with