^

Punto Mo

Uok (138)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAGING matabil na si Osang nang tamaan ng alak. Masarap ang alak na iniinom namin. Kung anu-ano na ang mga sinasabi habang dumadami ang naiinom. Sabi pa niya, mabuti na lang daw at ako ang napagtanungan niya kanina kung hindi ay baka hanggang ngayon ay naghahanap pa siya sa bahay ng kasamahan ng mister niya. Suwerte raw niya at ako ang nakausap. Nagpasa­lamat siya nang paulit-ulit sa akin. Talagang malakas na ang tama ni Osang. Ganoon pala ang babae kapag lasing, kung anu-ano ang lumalabas sa bibig at hindi makontrol.’’

“Pero wala talaga siyang kasama sa bahay, Sir Basil?”

“Umuwi nga raw ang maid niya dahil may sakit ang magulang.’’

“Ano pa ang ikinuwento ni Osang?”

“Marami. Ikinuwento ang tungkol sa asawa niya. May edad na raw ang mister niya. Mga 15 taon ang tanda sa kanya. Siguro raw kaya hindi agad makabuo ay dahil sa matagal na sa Saudi. Baka raw nakababad ang itlog sa init ng disyerto. Kasi’y driller pala ng balon ang mister niya. Sa disyerto nagbubutas ng balon. Mahirap daw ang trabaho nito pero malaki ang suweldo. Laging may obertaym. Yun nga lang hindi makabuo. Minsang nakabuo pero nalaglag. Mahina na ang kapit ng simelya. At pagkatapos sabihin iyon ayun tumingin sa akin. Naniningkit ang mga mata. Tapos tumingin sa bukol ng harapan ko. Binawi ang tingin. Pero ako, nang mga sandaling iyon ay nag-iinit na. Gusto ko nang may mangyari. Kaya lamang, nangingibabaw din ang takot at baka may makahuli. Naalala ko ang traysikel drayber kanina na nakatitig sa amin.

“Hanggang sa nakita ko na hinuhubad ni Osang ang blouse niya. Nanunukso ang tingin niya habang hinuhubad ang blusa. Talagang lasing na si Osang at ako naman ay nasa katamtaman. Namamanting ang taynga.”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BINAWI

GANOON

HANGGANG

NIYA

OSANG

PERO

SIR BASIL

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with