^

Punto Mo

Uok (77)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

MARAMI nang alam si Drew ukol sa daddy ni Gab. Pinagtaksilan pala ng kinakasama at natangayan pa ng pera. Pero ang gusto niyang malaman ay ang mga nagawa nitong kasalanan habang nasa probinsiya noon. Gusto niyang mahukay ang mga ginawa nito sa mga babaing may-asawa na naging dahilan para masira ang buhay at nagkahiwalay. Gaya nga ng ginawa nito sa asawa ni Renato, kapatid ni Tiyo Iluminado. Nagpakamatay si Renato nang malaman ang pagtataksil ng asawa. Tumalon sa Ilog Pola si Renato. Iyon ang dahilan kaya galit na galit si Tiyo Iluminado kay “Uok” na walang iba kundi si Basil.

Ang akala ni Drew, hindi na mauungkat ang mga nakaraan ni Basil sa probinsiya, pero nagkamali siya. Si Basil mismo ang huma­lungkat sa nakaraan niya. Ikinuwento mismo sa kanya. Naalala ni Drew, minsan ay nasabi ni Basil na marami siyang nagawang kasalanan noon at siguro raw kaya siya nagkasakit ay dumanas ng mga pasakit ay dahil sa mga nagawa niya noon. Siguro raw ay karma ang tumama sa kanya. Kung ano ang ginawa niya sa kapwa, ganundin ang nangyari sa kanya at matindi pa nga dahil na-stroke siya.

“Marami akong kasalanang nagawa noong kabataan ko at kalakasan. At siguro’y sinisingil na ako ngayon. Karma yata ang tumama sa akin…” sabi ni Basil at na­isapo ang mga palad sa noo.

“Pero napagsisihan ko naman ang mga iyon. Nagsisi na ako Drew. Ayaw ko na ngang maalala yun.”

“Minsan po naikuwento mo nga yun.’’

“Oo nabanggit ko nga sa’yo. Marami akong sinirang tahanan.’’

“Kaya nga po ‘uok’ ang tawag sa’yo ng mga taga-Mindoro.’’

Napatawa na lang si Basil­.

“Uok ba ang tawag sa akin? Okey lang, talaga namang nanira ako.’’

“Totoo po bang mga asawa ng nasa Saudi ang naka­relasyon mo noon?”

Napatingin si Basil kay Drew. Saka napasulyap kay Gab na noon ay may ginagawa sa laptop.

‘‘Oo. Mga misis na uhaw…’’

(Itutuloy)

vuukle comment

BASIL

ILOG POLA

MARAMI

OO

PERO

RENATO

SI BASIL

TIYO ILUMINADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with