^

Punto Mo

‘Pinaka’ sa Amerika

DIKLAP - Ms. Anne - The Philippine Star

AKALA ko ay tayo lang mga Pinoy ang mahilig ‘mamintas’ sa kapwa Pinoy. Aminin natin ’yan—na bawat probinsiya ay may nakadikit na kapintasan sa pagkatao ng mga residente. Halimbawa, ang probinsiya A ay mayayabang; ang probinsiya B ay maraming mangkukulam; ang probinsiya C ay masasama ang ugali or ang probinsiya D ay kilalang batugan lalo na ang mga lalaki. Walang gustong gawin kundi humilata sa duyan at maggitara na lang maghapon. Pero nasaliksik ko sa internet, ang mga Amerikano rin pala ay may kanya-kanyang pintas sa kanilang kapwa Amerikano. Kung ang pamimintas natin ay per probinsiya, sila ay per state. Ito ay resulta ng botohan sa internet. Narito ang nakakaaliw na pamimintas nila:

May Pinaka-Weird na Accent

Massachusetts ang may weirdest accent. Ito ang “home of the Kennedy clan and Irish gangsters”. Nadebelop ang kakaiba nilang accent dahil naghalo-halo na ang accent, mga Irish at Italian immigrants na naninirahan doon.

May Pinakamasamang Pagkain

Malakas talaga ang usap-usapan na Alaskans ang may pinakamasamang pagkain. Mahilig kasi silang kumain ng binurong ulo ng isda. Ibabaon sa lupa ng ilang linggo ang ulo ng isda. Ang proseso ay kagaya ng pagbuburo natin ng talangka. E, nababahuan ang mga Amerikano. Tawag nila sa fermented fish head ay “stinks head”.

Least Favorite State

Texas ang most unpopular. Lagi raw itong nananakot na hihiwalay na sa Union ng mga States. Dito rin may pinakamaraming  registered “hate groups”. Ito ang mga grupong nagpapakalat ng “hatred” para sa isang ethnicity, religion or gender at sexual orientation. Pagdating sa temperature, hot and humid dito kaya ang katawan mo ay laging nanlalagkit.

Ugliest Residents

Sorry Alabama pero sa inyo raw maraming pangit.

Worst Scenery

Kansas ang nanalo sa botohan. Walang kuwentang pumunta dito dahil walang magandang sceneries.

Drunkest State

Congratulations to Loui­siana, America’s drunkest state.  New Orleans, ang  “home of America’s largest Mardi Gras celebration”. Buong laya kang makakainom ng alak, na hindi mo pa kailangang itago sa supot ang bote ng alak.          

Pinakamaraming arogante

New York ang nanalo!

Rudest State

New York ulit ang nanalo!

Dumbest State

Mississippi ang third dumbest state. The true winner of this honor goes to West Virginia, followed closely by Arkansas.

vuukle comment

AMERIKANO

DRUNKEST STATE

DUMBEST STATE

LEAST FAVORITE STATE

MARDI GRAS

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with