^

Punto Mo

Nagbagong panahon

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Ngayo’y malimit nang magdaan ang bagyo

Ang ulan at baha nagiging perwisyo;

Ito’y mga tandang sa lahat ng dako

Inang kalikasan ay waring nagbago!

 

Walang anu-ano’y ating nadarama

Ang ating panahon ay nagbago na nga

Kung summer vacation hindi na masaya

Pagka’t umuulang halos walang tila!

 

Kung tag-ulan naman ramdam mong mainit

Sa mga tahanan wala na ang lamig;

Kaya ang panahon waring nagagalit –

Dahil mga tao’y masama ang isip!

 

Global warming ito sa ating daigdig

Ngayo’y naghahari sa lahat nang panig;

Dapat na tuklasin ng mga scientist

Mga dapat gawin laban sa panganib!

vuukle comment

DAHIL

DAPAT

INANG

KAYA

NGAYO

PAGKA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with