^

Punto Mo

Lampong (488)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUNTIS nga si Jinky. Na­tuwa naman si Dick sapagkat madadagdagan ang kanilang anak. Gusto niya ay maraming anak. Sana ay maging lalaki ang kanilang anak ni Jinky. Ang panganay nila ay babae.

“Wala namang problema kahit magkaanak tayo nang marami di ba, Jinky? Mayroon na tayong perang ga­gastusin para sa mga anak natin. Maunlad na ang ne­gosyo natin.’’

“Ikaw ang bahala, Dick.’’

“Gusto ko magkaanak ng 12, Jinky.”

“Sobra ka naman, Dick. Para na akong baboy nun?’’

“Paano ka magiging baboy e ang seksi mo.”

“Talaga bang 12 ang gusto mo?”

“Oo. Hindi ako nagbibiro. Anim na lalaki at anim na babae. O kaya Pitong lalaki at limang babae.’’

Nagtawa si Jinky.

“Ang lakas ng loob mong mag-anak ng 12 porke alam mong matikas na matikas si Batutoy mo, he-he!”

“Isang dahilan yun, Jinky pero sa totoo lang gusto ko ay marami tayo sa bahay na ito. Ang laki ng bahay natin. Kahit magpagawa ako ng 12 kuwarto ay sobra pa sa laki.’’

“Sabagay, gusto ko rin ay marami para nga masaya.’’

“E di okey na sa’yo na mag-anak ng 12?”

Tumango. At pagkatapos ay may binulong si Jinky. Na­pahagalpak si Dick sa sinabi ni Jinky. Paano’y gustong-gusto rin pala ni Jinky na lagi silang magtatalik. Malaki rin ang epekto ng Uloy nuts kay Jinky. Kaya masayang-masaya ang kanilang pagsasama. Magkasundung-magkasundo sila.

MAKARAAN ang siyam na buwan, nanganak si Jinky at kambal na lalaki ang pina­nganak nito.

Tuwang-tuwa si Dick. Mayroon na siyang lalaking anak at dalawa agad.

Wala pang isang taon ang kambal ay nagulat na  naman si Dick nang makitang laging inaantok si Jinky. Buntis na naman sigurado. Nang magpa-check-up, kumpirmado.

Nanganak muli pagka­raan ng siyam na buwan.

At makaraang iyon nagkasunud-sunod pa ang pa­nganganak ni Jinky. Naging sampu ang anak nila. Dalawa na lang ang kulang para matupad ang pangarap na 12 supling.

Kayang-kaya nila ang gastusin sa malaking pamil­ya. Maunlad ang kanilang Uloy nuts at mayroon pang mga itik. Hindi sila kakapusin sapagkat masinop at masipag si Dick. Katulong pa rin nila sa negosyo ang mag-asawang Mulong at Tina na marami rin ang naging anak. Dulot din yata ng Uloy nuts.

Isang araw, may mga la­laking dumating. Hinahanap si Dick. Pawang mga naka-barong ang mga lalaki.

“Congrats po Mr. Dick?”

“Bakit po?”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANAK

DICK

ISANG

JINKY

MAUNLAD

MAYROON

MR. DICK

SHY

ULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with