^

Punto Mo

Kung iisipin…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

— tama lang na makilala muna natin si “Mr/Miss Wrong” para kapag dumating sa ating buhay si “Mr/Miss Right”, kabisadong-kabisado natin na siya na nga ‘yun.

— kapag pinagsarhan tayo ng pintuan ng oportunidad, totoong may nabubuksang ibang pintuan o bintana. Ngunit sa sobrang pagkabigo at kalungkutan, ang nakasarang pintuan na lang ang ating tinititigan kaya hindi napapansin ang matagal nang nakabukas na pintuan at bintana.

— dapat lang nating ilagay ang ating sarili sa kalagayan ng ibang tao para alam natin ang mga bagay na makakasakit sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi mo na gugustuhin pang makasakit ng kapwa.

— tama lang na huwag umasa na mamahalin ka rin ng taong minamahal mo. Ang tunay na pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit. Kung sa kabila ng iyong pagmamahal ay wala pa ring tumubong pagmamahal sa kanyang puso, at least, bonggang-bongga ang pagtubo ng pag-ibig sa iyong puso.

— dapat lang na mag-isip ng sampung beses bago isiwalat ang iyong sama ng loob sa isang tao. Mas madalas na away lang ang ibubunga nito kaysa pagkakaunawaan. Likas sa tao na idipensa ang sarili kaysa aminin na mali siya.

— dapat lang na maging mabuti ka sa lahat ng tao habang nabubuhay­ ka sa mundong ito para kapag pumanaw ka, ma­raming malulungkot at luluha. Noong isinilang ka ay ikaw ang umiiyak habang nakangiti ang lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kapag pumanaw ka, ang mga taong nakapaligid naman sa iyo ang lumuluha habang ikaw ay nakangiting nakatanaw sa kanila.

vuukle comment

KAPAG

LANG

LIKAS

MISS RIGHT

MISS WRONG

NGUNIT

NOONG

PINTUAN

TAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with