^

Punto Mo

Lampong (387)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUNAS sa paglungayngay ng kanyang batutoy ang iniaalok ni Mr. Chan. Naisip ni Dick, ano kaya at subukan niya ang capsule. Baka ito na ang sagot sa kanyang problema. Kapag napagaling ang kanyang pagiging “lungay-ngay” hindi na siya mahihiya sa asawang si Jinky. Taas-noo na siyang makakauwi sa kanila at paliligayahin niya ang asawa. Baka oras-oras ay paligayahin niya si Jinky. At siguradong magkakaanak na sila. Kahit ilan ay puwede niyang anakan si Jinky. Kahit isang dosenang anak ay maipo-produce niya. Isang capsule lang daw at tapos ang problema niya sabi ni Mr. Chan.

“Ano, Dick at hindi ka na makapagsalita? Baka gusto mo munang subukan ang capsule…” sabi ni Mr. Chan at binuksan ang bote at nagtaktak ng isang capsule. Berde ang capsule. Hinawakan ni Mr. Chan ang capsule. “I-try mo ito, Dick. Try lang. Kapag pumalpak, hantingin mo ako, ha-ha-ha!”

Napalunok si Dick.

“O eto, inumin mo na nga-yon din at ikukuha kita ng babaing mola rito. Yung mabibilog ang puwit ang bagay sa’yo, ha-ha-ha!” Sabi at idinuldol kay Dick ang capsule.

“O sige na, kunin mo na ito at inumin mo na!”

“Teka, Mr. Chan. Baka ano?’’

“Baka ano, Dick? Baka hindi epektibo ang capsule na ito?”

Tumango si Dick.

“Epektib Dick. Eto ang ginagamit ko sa mga tsikas ko sa Ms. University. Enjoy na enjoy nga ang mga tsikas dahil hindi namamatay ‘tong kargada ko. Ang tanda ko na pero, matikas na matikas…”’

“Saan gawa ito?”

“Sa China galing ito.’’

Saan nga gawa?”

“Huwag mo nang itanong kung saan gawa. Ang mahalaga, ito ang makakatulong sa’yo.’’

“Baka may side effects ito?”

“Wala! Ang dami ko nang nainom n’yan. Mahusay ‘yan. Kahit mag-asawa ka nang marami, kayang-kaya mo silang suplayan, ha-ha-ha!”

“Paano ko ito babayaran?”

“Kapag umepekto na sa’yo saka tayo mag-usap. Eto inumin mo na!”

Kinuha ni Dick ang capsule at isinubo. Dinampot ang basong may tubig at ininom.

Tawa nang tawa si Mr. Chan.  (Itutuloy)

vuukle comment

BAKA

CAPSULE

DICK

EPEKTIB DICK

JINKY

KAHIT

KAPAG

MR. CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with