^

Punto Mo

Lalaki, mamartilyuhin ng ka-live-in dahil tumangging bayaran ang laundry

- Arnel Medina - Pang-masa

NAKATANGGAP ng tawag ang New Jersey police na may nangyayaring kaguluhan sa isang apartment. Agad silang rumesponde.

Pero ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat sapagkat ang naabutan nila ay isang 24-anyos na babae, na may hawak na martilyo at winawasak ang pintuan ng banyo.

Nang mag-imbestiga, nabatid na nasa loob ng banyo ang isang 49-anyos na lalaki, na ka-live-in pala ng babae. Takot na takot ang lalaki habang nasa banyo.

Ayon sa mga pulis, bago ang pagwasak sa pinto ng banyo, minartilyo ng babae ang TV screen at ang malaking salamin. Hindi umano mapigilan ng lalaki ang nagwawalang babae at pati siya ay tinangka ring martilyuhin sa ulo. Nakatakbo lamang siya sa banyo at nagtago para makaiwas sa nagwawalang babae.

Nagwala ang babae dahil umano sa pagtanggi ng lalaki na ito ang magbayad sa laundry. Nagtalo sila. Nakahagilap ng martilyo ang babae at hinabol ang lalaki para martilyuhin sa ulo. Nagtago ang lalaki sa banyo.

Matagal din bago naawat ng mga pulis ang babae sa pagwawala. Sinampahan ang babae ng aggravated assault, terrorist threats, criminal mischief, domestic violence, unlawful possession of a weapon at resisting arrest.

 

vuukle comment

AYON

BABAE

BANYO

LALAKI

MATAGAL

NAGTAGO

NAGTALO

NAGWALA

NAKAHAGILAP

NEW JERSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with