^

Punto Mo

Lampong(167)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LALO nang napaatras si Dick nang makita na nagsumbong si Puri kay Tanda­ at sa bodyguard. Ha­lata na takot si Puri habang kumukumpas pa sa pagsa­salita. Nakita niyang nakikinig si Tanda at ang bodyguard ay patingin-tingin sa paligid. Parang sinasala ang mga tao sa paligid.

Nagkubli pa si Dick sa haligi. Delikadong makita siya. Wala siyang laban sa bodyguard na malaki ang katawan at tiyak na may baril. Uupakan tiyak siya kapag itinuro ni Puri. Baka sa halip na makaganti siya kay Puri, siya pa ang masaktan o mapatay pa.

Nang makita ni Dick na itinuro ni Puri sa bodyguard ang direksiyon ng taong sumusunod sa kanya ay mabilis na tumalilis si Dick. Saka na lang niya itutuloy ang pagsubaybay kay Puri. Sana, naisagawa niya kanina ang paghihiganti kay Puri. Sana pinagsikapan niyang nahablot si Puri at si­nampal niya o sinuntok. Ngayon ay tiyak nang hindi hihiwalayan ng bodyguard si Puri. Kahit saan pumunta ay tiyak na babantayan ito.

Mabilis na nakalabas sa mall si Dick. Nakasakay ng taksi at nagpahatid sa bahay.

Bigo na naman siya. Pero hindi siya titigil hangga’t hindi nakakaganti kay Puri.

Pero paano nga siya makakaganti?

O nagsasayang lamang siya ng panahon sa balak niya. Baka sa halip na makaganti ay siya pa ang malagay sa alanganin.  Itigil na kaya niya at ibaon na lamang sa limot ang lahat. Huwag na siyang gumanti.

Hanggang sa maisip niya, bakit hindi si Jinky ang gantihan niya. Oo nga, tutal naman ay noon pa nagpapakita ng motibo sa kanya si Jinky.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BIGO

DELIKADONG

JINKY

NIYA

PERO

PURI

SANA

SIYA

TANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with