^

Punto Mo

Lampong(114)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT Tito Dick?’’

“Ha, a e wala. Sa­la­mat dito sa beer. Sana hindi ka na nag-abala pa Jinky. Baka meron kang paiinumin nitong beer e nakakahiya naman.’’

“Naku wala Tito Dick. Natira nga yan noong may naging bisita ako. Okey lang yan, Tito Dick.’’

“Sige salamat, Jinky. Nga­yon na lang uli masasayaran ng alcohol ang dila ko.’’

Napatingin si Jinky sa labi ni Dick.

‘‘Salamat uli Jinky. Sarap din siguro ng mani na ito.’’

‘‘Bagong luto yan, Tito Dick.’’

“Mukha ngang manamis-namis.’’

“Sige, Tito magsa-shower lang ako. Uminom ka lang nang uminom, Tito Dick.’’

‘‘Sige Jinky.’’

Umalis na si Jinky. Nasundan niya ito ng tingin. Sexy si Jinky. Sayang lang at kung sinu-sino na ang lalaking nauugnay dito. Kaya problemado na si Puri. Ang iniisip ni Puri ay baka mabuntis na naman ang pamangkin at siya na naman ang mahihirapan sa pagkargo rito.

Binuksan ni Dick ang isang beer. Umuusok-usok dahil sa lamig. Ininom niya. Nang ibaba ay kalahati sa bote ang laman. Sarappp! Natira raw ito ng mga bisita niya. Kailan kaya nagkabisita si Jinky ? Hindi kaya tira ito ng lalaking katalik niya kagabi. Baka bago sila nagtalik ay uminom muna ng beer ang lalaki. Kagabi, nakita niya ay tila ganadung-ganado ang dalawa sa pagtatalik. At si Jinky pa ang nasa ‘‘over the top’’. Sanay na sanay na si Jinky sa posisyong iyon. Paano natuto si Jinky ng ganitong style ?

Dumampot ng mani si Dick. Isinubo. Masarap nga. Bago ang mani. Bagong luto.

Inubos ni Dick ang beer. Sarappp talaga. Dumampot uli siya ng mani. Masarap ang mani.

Binuksan niya ang isa pang beer. Umuusok-usok ito dahil sa lamig. Uminom muli siya. Sarapp! Nararamdaman ni Dick na kumakapal ang  batok at pisngi niya. Ume­epekto na ang beer.

Hanggang sa magulat  siya sa tawag ni Jinky mula sa banyo.

‘‘Tito Dick, pakiabot ang shampoo. Nasa ibabaw ng ref.’’

Hindi malaman ni Dick ang gagawin. Lasing na yata siya ah. Baka madapa siya kapag nagtungo sa banyo.

(Itutuloy)

vuukle comment

BEER

BINUKSAN

DICK

DUMAMPOT

JINKY

LSQUO

MASARAP

NATIRA

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with