^

Punto Mo

Kontrol sa internet

Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SINO ang may pangkalahatang kontrol sa internet? May bansa bang kumokontrol nito kung meron man? O meron bang dapat kumontrol o mangasiwa nito?

Sa pagkakabasa ko, meron lang organisasyong tinatawag na Internet Corporation for Assigned Names and Numbers na nakabase sa United States at namamahala sa mga teknikalidad sa takbo ng internet. Ito ang nagbibigay ng direksyon sa pagtatalaga ng mga internet protocol address space at  domain name system na ginagamit sa buong mundo.

Wala namang sentralisadong pandaigdigang ahensiya na namamahala rito bagaman malakas ang impluwensiya rito ng United States.  Kaya mahigit na tinututulan ng US ang hakbang na isailalim sa ahensiya ng United Nations ang kontrol sa internet na hanggang noong taong 2011 ay mahigit 2.2 bilyong katao ang gumagamit.

Meron umanong mga ispekulasyon na itutulak ng ilang mga bansa na baguhin ang sistema ng pamamahala sa internet bagaman hindi nila mapupuwersa ang US na pumayag dito.

Napaulat kamakailan na idaraos sa Dubai sa susunod na buwan ang kumperensiya ng International Telecommunications Union at dadaluhan ng 178 bansa. Rerepasuhin dito ang International Telecommunication Regulations ng mga bansa sa buong mundo noong  1988 hinggil sa daloy ng trapiko sa internet. Sang-ayon ang Russia, China at India na palawakin ang kapangyarihan ng ITU sa pamamahala sa internet.

Bukod dito, may mga bansa na nagtatangkang makontrol ang internet lalo pa at nagagamit ito sa pagtatangkang maimpluwensiyahan  ang kanilang panloob na pulitika, ekonomiya o kultura. Nariyan halimbawa ang kaso ng isang pelikula na lumalapastangan sa isang relihiyon na ikinagalit ng mga sumasampalataya pero tila wala silang magawa  kung paano ito mapipigilang kumalat sa internet. Naalala ko rito iyong kaso ng dating magkalaguyong aktres at doktor na ang sex video nila ay kumalat sa internet at kailangan pang makiusap sa kinauukulang ahensiya sa US ang mga awtoridad para matanggal ito sa internet. May mga tao rin kasing nasisira ang karangalan sa internet na napakarami ng nakakabasa o nakakapanood at meron sa kanila na nagdedemanda pero bihirang manalo sa korte dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Pero, dahil hindi na maiiwasang maging bahagi ng buhay ng mga tao sa buong mundo ang internet, siguro dapat meron man lang nanga-ngasiwa rito para merong habol ang sinumang naaagrabyado.

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipapara-ting sa e-mail address na [email protected])

vuukle comment

ANUMANG

ASSIGNED NAMES AND NUMBERS

BUKOD

INTERNATIONAL TELECOMMUNICATION REGULATIONS

INTERNATIONAL TELECOMMUNICATIONS UNION

INTERNET

INTERNET CORPORATION

UNITED NATIONS

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with