^

PSN Showbiz

Mocha mas abala sa India!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mocha mas abala sa India!

Mocha

Hindi na talaga maabot si Mocha Uson ha? Habang nagkakagulo at pinasisikat siya ng haters niya sa Pilipinas, kasama naman si Mocha sa state visit ni President Rodrigo Duterte sa India.

Nag-apologize na si Mocha sa kanyang wrong mistake na nasa Naga ang Mayon Volcano pero pinaglalaruan pa rin siya ng mga nagmamarunong na kababayan natin.

Sa true lang, hanga ako sa pag-amin ni Mocha sa pagkakamali niya dahil hindi naman siya nagpapanggap na genius at malawak ang kaalaman sa geography.

Walang ipinagkaiba si Mocha sa mga Pinoy na naniniwala na matatagpuan sa Tagaytay City ang Taal Volcano dahil nakikita ito mula sa naturang lugar.

For the record, siyudad ng Cavite ang Tagaytay at nasa Talisay, Batangas ang bulkan ng Taal.

Benjamin inaabangan kung sisipot sa concert ni Julie Anne

Tonight na ang #Julie, ang concert ni Julie Anne San Jose sa Music Museum.

Special guest ni Julie si Michael Pangilinan pero hoping ang fans niya na manonood ng #Julie ang kanyang boyfriend na si Benjamin Alves.

One year and two months na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng concert si Julie Anne, kasama si Christian Bautista, sa Kia Theater noong November 2016 kaya excited na siya na mag-perform para sa fans niya.

Grabe talaga ang bilis ng panahon dahil parang kailan lang nang mag-attend ako sa presscon nina Julie Anne at Christian sa isang restaurant na malapit sa ABS-CBN pero more than a year na pala ‘yon.

Supposedly, solo concert ni Julie Anne ang #Julie as in hindi ito magkakaroon ng special guest pero nagbago ang plano or else, magdurusa siya sa pagmamadali sa pagpapalit ng damit at paghahanda para sa kanyang mga production number.

BB Gandanghari may pag-asa pa

Transgender woman, bumalik ang pagkalalaki nang makilala ang Diyos

Tinalikuran na ni Mark Estephen ang pagi­ging transgender woman dahil lalake na uli siya ngayon.

The who si Mark dahil mas kilala ito bilang Sabel Gonzales, ang Julia Barretto ng Pampanga nang sumali siya sa SuperSireyna contest ng Eat Bulaga noong 2014.

Nag-babu na si Sabel sa Pilipinas, US resident na siya at nagbalik-loob sa Panginoon kaya tinalikuran na niya ang buhay bilang transgender woman.

Napakagandang transgender woman ni Sabel kaya guwapong-guwapo siya nang balikan niya ang tunay na pagkatao at kilala na ngayon bilang Mark Estephen.

Hindi nag-iisa si Mark dahil isa lamang siya sa mga transgender women na nagbagong buhay buhat nang isuko nila sa Diyos ang sarili.

Nagpapasalamat si Mark dahil positive ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang desisyon na magbago.

“It’s 2018, and I found my true happiness in life from Our Lord Jesus Christ. Only God can change to you and to me .. so accept and follow Jesus now as our savior and repent from our sins.He is the only way , the truth and the life to be with the Father and to be in heaven,” ang sabi ni Mark na umani ng mga papuri.

Wondering ngayon ang fans kung possible ba rin ba na balikan ni BB Gandanghari ang pagiging Rustom Padilla kung sakaling pukawin ng Panginoon ang damdamin niya? Why not? With God, all things are possible!

How ironic na ginunita ni BB noong January 16 ang pagkamatay ni Rustom at pagkabuhay ng bagong katauhan niya. One week later, si Mark naman ang nagdeklara na lalake na uli siya at tsugi na si Sabel Gonzales.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with