^

PSN Showbiz

Family heirloom ang singsing na Ibinigay ng senador, Chiz at Heart engaged na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Engaged na finally sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Naganap ang proposal sa Brgy. Buhatan, Sorsogon City, sa bahay nila Chiz mismo kung saan nagbabakas­yon ang magdyowa.

Ayon sa isang taong malapit kay Chiz, matagal na raw itong pinagpaplanuhan ng senador at mga kaibigan ni Heart. Noong Huwebes ay lumipad sila pa-Sorsogon kasama ang kambal ni Chiz at ilang kaibigan.

Friday naman nang magdatingan ang ibang kaibigan ni Heart kasama na sina Alessandra de Rossi  and Lovi Poe with Rocco Nacino pero wala pa rin daw idea si Heart sa mangyayari. Ang alam daw talaga nito ay bakasyon lang sila. 

Kinagabihan ng Sabado, nagulat daw si Heart dahil biglang du­­milim sa bahay at ang buong akala nila ay brownout lang. Pero doon na naganap ang proposal. 

Lumuhod sa harapan ni Heart ang senador na karelasyon at saka inalok ng kasal ang Kapuso actress.

Heart shaped ang diamond ring na ibinigay ni Chiz sa girlfriend na galing sa kanyang Representative Nanay Evie Escudero – family heirloom – na nasa tabi nila kasama ang kambal na sina Quino at Chesi.

Ang tatay naman ni Heart ay nagpadala ng message sa actress nang mabalitaan ang mangyayaring proposal. “Hi heart. Congratulations. Heard the news and I just wanted to wish you well.  It seems like yesterday when you were just a little girl now you’re all grown up, on your own and engaged.  As a father, I wish you all the happiness, love and blessings  in the world. Only you deserve the best. I love you very much. Dad.....” na binasa ng senador. Doon na raw umiyak si Heart. After na basahin ang message ng daddy ni Heart, pinakuha ng senador sa kanyang anak na lalaki ang singsing na inabot ng kanyang mother. At saka inilagay sa daliri ni Heart at inalok na ng kasal. Agad naman daw nag-yes si Heart at doon na nagsigawan ang mga kaibigan nila.

Pagkatapos daw ay nagkaroon ng fireworks.

Present din si Nyoy Volante na kumanta sa bagong engaged ng kanilang theme song na About Time.

Last month lang daw lumabas ang annulment ni Chiz sa church kaya ngayon lang natuloy ang proposal. Sa simbahan daw kasi gustong pakasalan ng senador ang girlfriend kaya hinintay talaga nitong lumabas ang annulment sa dating asawang si Christine Elizabeth “Tintin” Flores kung saan nagtagal ang kanilang marriage ng 10 years.

Almost two years na ang relasyon nina Heart at Chiz.

Wala pang details kung kailan sila pakakasal at kung saan. Hindi pa rin sila nagpapa-interview after the proposal.

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang unang nagkaroon ng proposal sa programa ni Marian at ikakasal na sila sa December 30.

Kaya marami tayong aabangang kasalan.

Kris, Aga, Marian, at Dingdong nakiisa na sa ice bucket challenge Kris umamin na sa ‘relasyon’ nila ni Derek

Parami nang parami ang mga sumasali sa ALS Ice Bucket Challenge. Ang The Ice Bucket Challenge ay isang kampanya para maka-raise ng awareness and funds para sa mga may sakit na Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS). Ang ganitong may sakit  - neurodegenerative disease – ay nawawalan ng control sa muscles hanggang ma-paralyzed.

Bukod kay Aga Muhlach, sumali rin sa kampanya ang ikakasal na sina Ding­dong Dantes and Marian Rivera at kahapon sa The Buzz, nagkaroon ng isang liguan portion si Kris Aquino nang tanggapin niya ang challenge ng special daw sa kanya ngayong si Derek Ramsay.

Mas importante raw sa kanya si Derek kesa kay Mayor Herbert Bautista na na-interview tungkol sa nangyari sa kanila sa birthday blowout nito sa entertainment press last Saturday afternoon.

Sabi ni Kris moved on na siya kay Mayor Bistek. “Marami naman responsibilidad sa kanyang trabaho sana ‘wag nang pakialaman ang buhay ko,” sabi ng presidential sister na in fairness ay parang may halong bitterness.

 

vuukle comment

ABOUT TIME

AGA MUHLACH

AMYOTROPHIC LATERAL SCLEROSIS

ANG THE ICE BUCKET CHALLENGE

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DAW

HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with