^

PSN Palaro

Generika-Ayala nilusutan ang Smart Prepaid via five-set victory

Pilipino Star Ngayon
Generika-Ayala nilusutan ang Smart Prepaid via five-set victory

Nailusot ni Rhea Meneses ng Generika-Ayala ang kanyang spike laban kina Jenine Delos Reyes at Maureen Penetrante-Ouano ng Smart.

Laro Bukas (The Arena, San Juan City)

4:15 p.m. Foton vs Cignal

7 p.m. Petron vs Cocolife

MANILA, Philippines — Napigilan ng Generika-Ayala ang pag­hahabol ng Smart Prepaid upang ita­kas ang 25-21, 25-23, 23-25, 22-25, 15-11 desisyon tu­ngo sa kanilang unang pa­nalo sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Imus Sports Center sa Imus City, Cavite.

Minanduhan nina imports Darlene Ramdin ng Tri­nidad and Tobago at Symone Hayden ng Amerika ang opensa ng Lifesavers na humataw ng kabuuang 69 attacks sa larong tumagal ng dalawang oras at 26 minuto.

Nakatuwang ng dalawang reinforcements si lo­cal middle hitter Marivic Meneses na kumamada ng 13 attacks at tatlong blocks para tulungan ang Ge­nerika-Ayala na su­mampa sa win column.

Nasayang ang pinaghirapan nina Sanja Tribuno­vic at Gyselle Silva para sa Gi­ga Hitters na lumasap ng ika-limang sunod na ka­malasan.

Nakagawa ng 59 kills ang Smart Prepaid karamihan ay mula kina Silva at Tribunovic, habang lamang rin ang kanilang tropa sa blocking department matapos kumana ng 12 laban sa walo ng Generika-Ayala.

Parehong may pitong aces ang dalawang tropa at hindi rin nalalayo ang ka­nilang unforced errors kung saan nagkamali ang Life­savers ng 27 beses habang may 26 mintis naman ang Giga Hitters.

Hawak ang 2-0 bentahe, naging kampante ang Generika-Ayala sa ikatlong kanto nang hayaan nitong umariba ng husto sina Silva at Tribunovic para makuha ang mga sumunod na sets at maitabla ng Smart Prepaid ang laban sa 2-2.

Nagawa pang makatabla ng Giga Hitters sa fifth set mula sa cross court attack ni Tribunovic.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with