5 mangingisda, nasagip
PANUKULAN, QUEZON, Philippines — Matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 5 mangingisda matapos na masiraan ng propeller shaft ang kanilang motorbanca habang naglalayag sa karagatan ng Brgy. San Juan, Panukulan, Quezon, kamakalawa.
Ayon sa Panukulan Police Station, pauwi na Dinahican, Infanta mula Sitio Bongliw, Brgy. Rizal, Panukulan ang mga sakay na sina Jaypee, Junard, Vic, Joseph, at Jonilo na pawang mga 37-anyos at mga residente ng Barangay Dinahican Infanta, Quezon nang mangyari ng insidente dakong alas-5:15 ng hapon.
Natagpuan ng rescue team ang hindi na makausad na motorbanca at matagumpay itong nahila pabalik sa ligtas na pantalan kasama ang mga limang sakay nito.
- Latest


















