^

Probinsiya

College student itinumba sa inuman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
College student itinumba sa inuman
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Zanter Troy dela Cruz Soriano, nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang kumi­til sa buhay nito. Nakilala naman ang suspect na si Vincent Danga.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang 19 anyos na student leader matapos itong pagsasaksakin ng isang 23 anyos na lalaki sa gitna ng isang inuman sa isang bahay sa Brgy. Atulayan Norte, Tuguegarao City, Cagayan noong Miyerkules.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Zanter Troy dela Cruz Soriano, nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang kumi­til sa buhay nito. Nakilala naman ang suspect na si Vincent Danga.

Sa imbestigasyon ng Tuguegarao City Police, nangyari ang insidente sa loob ng isang bahay sa Atulayan Norte noong Miyerkules habang ang grupo ni Soriano ay nagtitipon at nagkakasiyahan  sa kanilang pag-iinuman sa tahanan ng biktima.

Ang biktima ay isang lider estudyante at ­miyembro ng Boys of M3 Catayan Valley Zone skating team.

Gayunman, bigla na lamang umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng grupo ng biktima at ni Danga kung saan bigla na lamang pinagsasaksak ng suspect ang biktima.

Nagawa pang maisugod si Soriano sa San Raphael Hospital para malapatan ng lunas, pero binaiwan din ito ng buhay sa insidente dakong alas-2:35 ng madaling araw.

Ang suspect ay mabilis na tumakas matapos ang pananaksak, pero agad ding nasakote sa follow-up operations ng pulisya sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspect na kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng pulisya.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with