4 supporters ng terrorist group, todas sa encounter
COTABATO CITY, Philippines — Apat na miyembro ng criminal gang na naka-suporta umano ng nabuwag na Dawlah Islamiya terrorist group ang napatay sa dalawang magkasunod na joint police-Army operations nitong Miyerkules at Huwebes, sa mga liblib na pook sa Barangay Pantar, Banisilan, Cotabato.
Sa mga hiwalay na ulat ng Cotabato Provincial Police Office at 602nd Infantry Brigade ng 6th Infantry Division, isisilbi sa ng mga pulis at sundalo nitong Miyerkules ng mga warrants of arrest mula sa iba’t ibang korte ang leader ng naturang armadong grupo na si Medalya Sultan Tidong, kilala rin bilang si “Kumander Tanda” pero pinaputukan sila nito ng mga tauhan sa Barangay Pantar bunsod ng palitan ng putok.
Tatlong terorista ang tumimbuwang sa pakikipabarilan sa tropa ng 602nd Infantry Brigade, Banisilan Municipal Police Station at Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office 12. Mabilis namang tumakas ang ibang kasamahan patungo sa isang upland area sa Barangay Pantar at iniwan ang tatlong bangkay.
Isa naman umanong bandido na si Madali Sultan ang nasukol at nakumpiskahan ng isang M16 rifle sa hot pursuit operation ng mga pulis at sundalo kasunod ng madugong engkuwentro.
Nitong Huwebes, sumunod na napatay sa isa pang joint police-Army operation ang kamag-anak ng naarestong si Sultan na si Wawie Manampen Tidong, makaraan umanong manlaban nang siya aarestuhin ng mga operatiba sa isang lugar Barangay Pantar, kaugnay pa rin ng anti-terror operation na target ang kanilang pinuno na si Tidong.
- Latest




















