^

Probinsiya

Guro kalaboso sa droga

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Tuguegarao City, Cagayan, Philippines — Kalaboso ang isang 32-anyos na guro matapos umanong bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer sa isinagawang operation sa Barangay Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2, isinagawa ang operasyon dakong alas-4:35 ng hapon ng mga operatiba ng PDEA Cagayan Provincial Office, katuwang ang Ballesteros police at Western Cagayan Maritime police.

Kinilala ang suspek na si alyas na “MJ,” residente ng naturang barangay, na nakumpiskahan umano ng isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000. Nabawi rin ng mga awtoridad ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Mahaharap ang naarestong guro sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng umano’y pagbebenta ng ilegal na droga.

CAGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with