^

Probinsiya

Vlogger na traffic enforcer, itinumba!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Vlogger na traffic enforcer, itinumba!
Nadala pa ng mga emergency responders sa ospital ang biktimang si Sandy Boy Odin, kilala rin bilang “Bashte Masukat” at “Bashte Enforcer” sa kanyang Facebook vlog, ngunit pumanaw rin kalaunan.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Isang Moro na kawani ng Cotabato City Traffic Management Command Center (TMCC) at sikat sa kanyang mga vlogs na naglalayong madisiplina ang mga drivers ng private at passenger vehicles, ang napatay ng motoristang gunman sa Mother Barangay Rosary Heights sa lungsod nitong hapon ng Martes, June 30.

Nadala pa ng mga emergency responders sa ospital ang biktimang si Sandy Boy Odin, kilala rin bilang “Bashte Masukat” at “Bashte Enforcer” sa kanyang Facebook vlog, ngunit pumanaw rin kalaunan.

Sa inisyal na pahayag ng mga officials ng Cotabato City Police Office, bumibili ng tinapay sa isang bakery si Odin, 39-anyos, sa gilid ng TV Juliano Street sa Purok Zion B, Mother Barangay Rosary Heights, nang lapitan ng isang lalaking sakay ng motorsiklo at barilin sa ulo saka mabilis na tumakas.

Kilalang mahigpit sa pagpapatupad ng traffic rules si Odin sa kung saan man siya naka-duty bilang kawani ng Cotabato City TMCC.

Gamit niya ang Facebook sa pagturo sa mga residente ng Cotabato City, may sakop na 37 barangays, hinggil sa dapat na pagsunod sa mga traffic rules sa lungsod.

Ayon sa officials ng Cotabato City Police Station 2, na sakop ang lugar kung saan si Odin nabaril na nagsanhi sa kanyang pagpanaw, malinaw ang indikasyon na personal grudge ang pinag-ugatan ng pagpatay sa kanya.

COTABATO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with