Bulkang Kanlaon sumabog
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng moderate explosive eruption na naitala sa crater summit ng Bulkang Kanlaon sa Negros ganap na alas-4:38 ng hapon ng huwebes kahapon na may tagal na dalawang minuto batay sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) alinsunod sa seismic record na naitala hinggil sa patuloy na pag aalboroto ng naturang bulkan.
Ayon sa Phivoilcs, ang aktibidad ay nagresulta ng dark gray eruption plume na may 2 libong metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan na nalusaw din sa may timog kanlurang bahagi ng bulkan. Nakapagtala rin ang bulkan ng pyroclastic density currents sa may southern at southwestern upper slopes sa loob ng isang kilometrong summit crater ng bulkan na nakita sa IP cameras ng Kanlaon Volcano network.
Bukod dito, nakapagtala rin ang bulkan ng 10 volcanic earthquakes, 346 toneladang pagluwa ng asupre at pamamaga ng bulkan Alert level 2 nanatili sa bulkan at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 4 kilometrong radius permanent danger zone dahil sa Biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions at pagputok ng magma.
- Latest




















