Babae pinatay, isinako, isinilid sa drum!

MANILA, Philippines — Dahil sa nakausling paa, nadiskubre ang bangkay ng isang babae na patiwarik na nakasilid sa sako at isang drum sa gilid ng bangin sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes ng hapon.
Batay sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, dakong ala-1:14 ng hapon nang madiskubre ang bangkay sa gilid ng bangin sa may Marcos Highway sa Sitio Cabading, Barangay San Jose, Antipolo City.
Ini-report sa pulisya ng mga dumadaan sa lugar ang nadiskubre nilang nagmula sa Orocan plastic drum ang masangsang na amoy at nakausli ang hinihinalang paa ng tao.
Nang siyasatin, nasa loob ng puting sako ang bangkay ng babae na ipinasok ng patiwarik sa drum.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima, motibo sa pamamaslang, at kung saan nangyari ang pagpatay.
Nang rumesponde ang mga pulis sa lugar, nakitang ang biktima ay tinatayang nasa 20 taong gulang, may taas na humigit-kumulang 4’11” hanggang 5’0”, at may tattoo na ahas sa kaliwang hita, kulay pula na paru-paro sa kanang hita at maliit na tattoo sa kaliwang braso.
Nagsagawa na rin ng technical at forensic investigation ang PNP-Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar habang patuloy pa ang imbestigasyon at backtracking para matukoy kung sino ang responsable sa krimen.
Ayon sa pulisya, maaaring pinatay sa ibang lugar ang babae at inilagay sa sako at drum bago itinapon ang bangkay nito sa Antipolo City.

LUDY BERMUDO, ANGIE DELA CRUZ ED AMOROSO

- Latest