^

Probinsiya

Obrero, kinatay ng 2 katrabaho

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

Pikunan sa inuman

CAVITE, Philippines — Patay ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kanyang dalawang kasamahan sa trabaho nang magkapikunan sa inuman, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Santol, bayan ng Silang.

Isa sa mga suspek ang naaresto ng pulisya na kinilala sa alyas na “Nolly”, 26-anyos habang nakatakas ang kasama nito na si alyas “Joey”, 40-anyos; pawang construction worker at residente ng Brgy. Santol.

Sa ulat ng pulisya, alas-8 ng gabi habang lasing sa kanilang inuman ng alak ang tatlo sa bahay ni Nolly nang bigla silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang pinag-uusapan hanggang humantong sa mainitang pagtatalo at suntukan.

Dito pinagtulungan ng dalawang suspek ang biktima na kinilala sa alyas na “Orencio”, 43-anyos.

Upang hindi na makapalag at makagalaw, niyapos pa ng suspek na si Nolly si Orencio saka inundayan naman ni Joey ang nasabing biktima ng sunud-sunod na saksak.

Sa pagkakataong ito, nasaksihan ng mga barangay roving patrol ang pangyayari kaya agad nilang naaresto ang isa sa mga suspek habang mabilis na nakatakas ang isa pa bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Agad naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit hindi na siya na­isalba pa ng sumuring doktor sanhi ng dami ng saksak na tinamo nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis na ng mga awotirdad ang nakatakas na suspek.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with