^

Probinsiya

5-minutong responde epektibo sa Bicol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Mas pinalakas pa ng Police Regional Office 5 (PRO-5) sa pangu­nguna ni regional director Brig. Gen. Nestor Babagay Jr., ang kanilang 5-minute response time (MRT) strategy sa buong rehiyon matapos ipamahagi ang mahigit 1,000 bilang ng mga cellular phones na may Zello application para sa mas mabilis na responde sa anumang emerhensya at sitwasyon sa lahat ng bahagi ng Kabikolan.

Aabot sa 1,051 unit ng serviceable cellular phones ang naibigay ng PRO5 sa mga police stations at PNP units sa 107 mga bayan at pitong lungsod sa rehiyon. Bawat cellphone ay may naka-install na Zello apps na isang uri ng push-to-talk (PTT) communication application na kayang mag-function bilang isang kagaya ng digital walkie talkie na may instant voice communication gamit ang cellular data o wi-fi connectivity upang magkaroon ng real time coordination ang mga pulis sa lahat ng sitwasyon at emergency.

Sa mahigit 1,000 cellphone units, 750 dito ay kargado ng running application para sa tuluy-tuloy at malakas na connectivity na magagamit ng field units.

Ayon sa PRO5, sa pamamagitan ng teknolohiyang ito ay mas mapapabilis ang kanilang koordinasyon at mabilisang deployment sa mga pulis sa area para sa agarang solusyon at pagresolba ng mangyayaring kremin sa paligid.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with