^

Probinsiya

Konsehal arestado sa baril at mga bala

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Konsehal arestado sa baril at mga bala
Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group ang suspek na si Julius Darunday Bomediano,miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tampilisan na dating mayor.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang 48-anyos na incumbent municipal councilor ang inaresto ng mga otoridad dahil sa mga hindi lisensyadong baril sa isang police operation sa Barangay Poblacion sa Tampilisan, Zamboanga del Norte nitong Martes, August 26.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group ang suspek na si Julius Darunday Bomediano,miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tampilisan na dating mayor.

Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Eleazar Matta, director ng Police Regional Office-9, nagsagawa ng search operation sa bahay ni Bomediano ang mga operatiba ng CIDG-Zamboanga del Norte at mga units ng PRO-9 sa probinsya.

Natagpuan ng police search team sa loob ng bahay ni Bomediano ang isang M16 combat rifle at isang .45 caliber pistol na pawang walang mga lisensiya at kinasuhan ng illegal possession of firearms.

ZAMBOANGA DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with