^

Probinsiya

Katutubong sayaw, tugtugin itinuro sa mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Upang masigurado na hindi mawawala ang mga katutubong sayaw at tugtugin, tinuruan ang mga batang mag-aaral sa Barangay Didipio, Kasibu ng lalawigang ito bilang bahagi ng selebrasyon sa National Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre.

Umabot sa 30 na batang binubuo ng mga babae at lalaki ang matagumpay na na­katapos sa walong araw na pagsasanay sa tamang pag-indak sa katutubong sayaw (tayaw) at tamang pag­tugtog ng gangsa (gong) sa tulong ng mga bihasang mga katutubong Ifugao na masusing naglaan ng panahon para maturuan ang mga bata. 

Karamihan sa mga ma­tagumpay na nag-tapos ay nasa edad 10 hanggang 15 na karamihan ay mga katutubong Ifugao.

Ang programa ay isinagawa sa pagtutulungan ng Ifugao Intangible Heritage and Performing Arts So­ciety, Barangay Local Government Unit ng Didipio at Dingasan sa Cabarroguis, Quirino at ang Didipio Mine. 

Ayon kay Desiree Baldevino, isang opisyal ng Didipio Mine na residente rin ng nasabing lugar, maliban sa pagtugtog at pagsayaw ay naituro rin sa mga bata ang iba pang mga kultura tulad ng mga awit at paghahabi. 

Nagpag-alaman na ang mga batang ma­tagumpay na nagtapos ay kabilang sa mga naunang batch na nakikitang tumutugtog at sumasayaw sa mga okas­yon o katutubong pagtitipon kabilang na sa mga paaralan.

vuukle comment

NUEVA VIZCAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with