^

Probinsiya

4 LGUs sa Region 12, tumanggap ng parangal

John Unson - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Apat na local government units sa Soccsksargen ang tumanggap ng parangal kaugnay ng katatapos lang na pag-obserba ng National Nutrition Month bilang pagkilala sa malawakang kampanya ng bawat isa upang masawata ang malnutrisyon sa sektor ng kabataan.

Isa sa nabigyan ng National Nutrition Council ng Regional Award for an Innovative Service Deliveries on Eradicating Malnutrition, o RAISE, ang Cotabato local go­vernment na tanyag sa Soccsksargen, o Region 12, sa mga programang naglalayong masugpo ang malnutrisyon ng mga kabataang Moro, Kristiyano at mga indigenous tribes na sakop ng administrasyon ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza.

Tumanggap din ng naturang parangal, sa se­remonyang ginanap nitong Biyernes sa Koronadal City, ang mga LGUs ng Sarangani province, Ge­neral Santos City, at ng Malu­ngon sa Sarangani; pawang sa Region 12.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Midsayap Mayor Rolly Sacdalan at ang manggagamot na si Kadil Sinolinding, Jr., mi­yembro ng Bangsamoro parliament, sa pagtanggap ng kanilang provincial go­vernment ng RAISE award.

Ayon kay Sinolin­ding, residente ng Kabacan, Cotabato na naging tagapa­mahala ng National Nutrition Council-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bago naging miyembro ng BARMM parliament, napaka-entensibo ng mga anti-malnutrition programs ng kanilang go­bernadorang si Mendoza.

Ayon kay Sacdalan, siya ay nagpapasalamat sa Integrated Provincial Health Office-Cotabato at sa provincial social welfare office na parehong sumusuporta sa kampanyang masugpo ang malnutrisyon sa buong probinsya na may 17 na mga bayan at mahigit 40 na barangay sa kabisera nito, ang Kidapawan City.

vuukle comment

RAISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with