^

Probinsiya

Back-up driver sinibak sa leeg ng kasamang driver, tepok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Back-up driver sinibak sa leeg ng kasamang driver, tepok
Malalim na taga sa leeg at ibat-ibang bahagi ng katawan ang agad tumapos sa buhay ng biktimang si Jude Bo Balantes, may-asawa, residente ng Resettlement Site, Brgy.Taysan, Legazpi City habang nahaharap sa kasong pagpatay ang naarestong suspek na kinila­lang si Joselito Mendevil Barquin, 30-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Kilicao, Daraga, kapwa driver at back-up driver ng Priceton Enterprise Incorporated ng Brgy. Bogtong, Legazpi City.
File photo

Daraga, Albay, Philippines — Dead-on-the spot ang 41-anyos na back-up driver matapos pagta­tagain ng mismong kasamahang driver sa leeg sa Purok-7, Brgy.Villahermosa, Daraga, Albay kamakalawa ng umaga.

Malalim na taga sa leeg at ibat-ibang bahagi ng katawan ang agad tumapos sa buhay ng biktimang si Jude Bo Balantes, may-asawa, residente ng Resettlement Site, Brgy.Taysan, Legazpi City habang nahaharap sa kasong pagpatay ang naarestong suspek na kinila­lang si Joselito Mendevil Barquin, 30-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Kilicao, Daraga, kapwa driver at back-up driver ng Priceton Enterprise Incorporated ng Brgy. Bogtong, Legazpi City.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga lulan ng kanilang delivery truck, magkasamang nagdeliber ng mga paninda ang biktima at suspek sa Aileen’s Store ng Brgy. Villahermosa sa natu­rang bayan.

Gayunman, habang hinihintay ng biktima ang bayad ng tindahan sa hindi malamang dahilan ay biglang sumulpot mula sa likuran na armado ng itak ang suspek at biglang tinaga sa likurang bahagi ng leeg ang una.

Kahit sugatan ay nakatakbo pa papasok ng compound ng tindahan ang biktima pero hinabol ito ng suspek at ilang ulit pang tinaga makaraang makorner.

Ayon kay Ronel Erlano na helper ng dalawa, sadya umano siyang pinababa muna ng biktima at suspek sa ‘di kalayuan dahil may idedeliver lang umano ang mga ito na parcel sa naturang lugar.

Nagulat na lang siya nang makita na paalis na ang suspek at minamaneho ang kanilang truck na may mga tilamsik at patak ng dugo kaya mabilis niyang pinuntahan ang lugar kung saan nakitang patay na ang biktima.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with