^

Probinsiya

Bulkang Kanlaon, nakataas sa alert level 1

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Kanlaon, nakataas sa alert level 1
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa mga volcanic earthquake na naitala, nagkaroon din ng mahinang pagsi­ngaw ng usok sa bu­nga­nga ng bulkan na may 100-metrong taas.
Michael Ocampo FB File Photo

MANILA, Philippines — Nakataas na sa alert level 1 ang Bulkang Kanlaon sa Negros makaraan ang sunud-sunod na pag-aalboroto nito, kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa mga volcanic earthquake na naitala, nagkaroon din ng mahinang pagsi­ngaw ng usok sa bu­nga­nga ng bulkan na may 100-metrong taas.

Sinabi pa ng Phivolcs na nakitaan din ng pamamaga ang bunganga ng bulkan na senyales ng pag-aalboroto.

Bunsod nito, mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa 4-kilo­metrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Sinabi pa ng ahensya na bawal din ang pagpa­palipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas  na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

vuukle comment

BULKANG KANLAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with