^

Probinsiya

Mag-asawa gutay sa pagsabog ng granada!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa gutay sa pagsabog ng granada!
Kinilala ang mga na­sawing biktima na sina Charles Medrano, 40, magsasaka at misis niyang si Criselda, 43, isang guro at kapwa residente sa nabanggit na lugar.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang mag-asawa matapos na masabugan ng granada sa loob ng kanilang taha­nan na hinihinalang bunga ng kanilang pag-aaway sa Purok 7, Brgy. District III, Gamu ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga na­sawing biktima na sina Charles Medrano, 40, magsasaka at misis niyang si Criselda, 43, isang guro at kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, isang sibilyan ang tumawag sa himpilan ng pulisya­ matapos makarinig ng isang malakas na pagsabog sa loob ng bahay ng mag-asawang Medrano dakong alas-8:30 ng umaga.

Dahil dito, agad rumes­ponde ang mga operatiba ng Gamu Police at naabutan ang mga bik­tima na wala nang buhay at halos magkagutay-gutay ang mga katawan sa loob ng kanilang kuwarto matapos masa­bu­gan ng granada.

Teyorya ng pulisya, away mag-asawa ang posibleng dahilan ng pagpapasabog sa bomba.

Napag-alaman na ilang beses umanong nag­­kaharap sa barangay at istasyon ng pulisya ang mag-asawa dahil sa sumbong ni Criselda na diumano’y pananakit sa kanya ng kanyang mister na si Charles.

Nauna rito, naaresto na rin umano si Charles sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Violation Against Women­ and Their Children (VAWC) noong Marso 2021 na isinampa ni Criselda su­balit kalaunan ay nakalaya rin ang mister.

Wala namang nada­may sa nasabing pag­sa­bog.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with