^

Probinsiya

Estudyante patay sa salpukan ng motor at truck sa San Fernando

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Estudyante patay sa salpukan ng motor at truck sa San Fernando

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Patay ang isang estudyante matapos masalpok ang minamaneho nitong motorsiklo ng kasalubong na truck sa San Fernando, Romblon nitong umaga ng Miyerkules.

Ang nasawi ay kinilalang si Christony Riño, 20 anyos, residente ng Barangay Otod.

Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station, pauwi ng Barangay Otod ang rider nang makasalubong nito ang 6-wheeler truck sa intersection sa Barangay Azagra na patungo naman ng Barangay Poblacion.

Pumailalim ang rider sa truck habang ang motorsiklo naman nito ay nayupi sa lakas ng impact.

Sinubukan pa itong dalhin ng ospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival. Nagtamo ng seryosong head injury si Riño na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang driver ng truck na kinilalang si Esmeraldo Labaroza, 41, ay nakakulong na sa ngayon sa San Fernando Municipal Police Station at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

--

Ang Romblon News Network ay regional partner ng Philstar.com. 

vuukle comment

MOTORCYCLE

ROAD CRASH

ROMBLON

SAN FERNANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with