^

Probinsiya

P58.7 milyon jackpot sa Megalotto naibulsa ng taga-Quezon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Quezon matapos na mahulaan ang winning combination ng Megalotto sa katatapos na draw kamakalawa ng gabi.

Sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng maswer­teng mananaya ang combination ng MegaLotto 6/45 na 34-24-07-44-21-38 na jackpot prize na P58,796,739.60.

Ayon kay PCSO Ge­neral Manager at Vice Chairperson Mel Robles, nabili ang maswerteng ticket mula sa isang outlet sa Lucena City.

Samantala, nasa 17 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P32,000 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.

Upang makubra ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard sa Mandalu­yong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong identification cards.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with