^

Probinsiya

Truck nag-dive sa bangin: Driver dedo

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Truck nag-dive sa bangin: Driver dedo
Kinilala ni Police Master Sargeant Roel Manalo ang nasawing driver  na si Rodel Flores, taga-Valenzuela city habang nakaligtas naman sa aksidente ang kasamang pahinante na si Eduardo Delos Reyes Jr.
Graphic by Philstar/John Villamayor

SUBIC, Zambales, Philippines — Patay ang driver ng isang 10-wheeler truck matapos dumiretso sa bangin nang mawalan ng kontrol sa bahagi ng Govic Highway, Mangan-vaca ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Master Sargeant Roel Manalo ang nasawing driver  na si Rodel Flores, taga-Valenzuela city habang nakaligtas naman sa aksidente ang kasamang pahinante na si Eduardo Delos Reyes Jr.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, mula sa Bulacan ay patungo ang naturang truck sa bayan ng Masinloc, Zambales para mag-deliver ng mga karga nitong feeds.

Bandang alas-10:30 ng gabi, pagsapit sa palusong na bahagi ng Govic Highway ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver sanhi upang tuluy-tuloy na bumulusok ito sa bangin.

Bunsod nito, dead-on-the-spot si Flores na naipit sa minamanehong truck habang isinugod ng mga rescuer sa pagamutan ang kanyang pahinante na nagtamo ng sugat at galos sa katawan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with