^

Probinsiya

Anak naburyong: Ama at ina kinatay, utol sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Anak naburyong: Ama at ina kinatay, utol sugatan
Kinilala ng Kayapa Police ang mga nasawi na sina Ruben Baltazar, 68, magsasaka at misis niyang si Nora, 65, habang sugatan naman ang isa nilang anak na si Shayra, 26, dalaga at pawang mga residente sa nasabing barangay.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng mag-asawang senior citizen matapos silang tadtarin ng saksak habang natutulog ng kanilang sariling anak na sinasabing tila sinapian ng masamang espiritu sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pampang, Kayapa ng lalawigang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng Kayapa Police ang mga nasawi na sina Ruben Baltazar, 68, magsasaka at misis niyang si Nora, 65, habang sugatan naman ang isa nilang anak na si Shayra, 26, dalaga at pawang mga residente sa nasabing barangay.

Kinilala naman ang suspek na si Iryb Baltazar, 28, isa ring magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat na naka­ra­ting sa tanggapan ni P/Col. Ranser Evasco, director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), habang natutulog ang mag-asawa sa sala ng kanilang bahay kasama ang anak na si Iryb nang bigla na lang silang pinagsasaksak ng huli dakong alas-3:10 ng madaling araw.

Magingi si Shayra ay sinaksak ng kapatid pero mabilis siyang nakatakbo palabas sa kanilang bahay.

Bagama’t duguan sa tinanong mga sugat sa noo at braso, mabilis na humi­ngi ng tulong si Shayra sa kanyang tiyahin, iba pang kamag-anak at mga kapitbahay.

Mabilis namang ru­mes­ponde ang mga pulis at isinugod sa pagamutan ng Kayapa ang mga biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawang Baltazar dahil sa mga tinanong maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan habang ang sugatan na si Shayra ay inilipat  sa isang pagamutan sa bayan ng Bayombong.

Sinasabing tila nawala sa katinuan ang suspek kung kaya’t nagawang mapatay ang kanyang mga magulang sa pana­naksak maging ang kanyang kapatid na nagtamo ng mga sugat.

Boluntaryo namang sumuko sa mga kagawad ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide at frustrated homicide.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with