^

Probinsiya

Dalagita pinagtataga ng pinsan dahil sa dalandan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Dalagita pinagtataga ng pinsan dahil sa dalandan
Ang biktima ay nakilalang si Crisel Fabellare, grade 9 student, habang sumuko naman ang suspek na kinilalang si Mark Francis Fabellare. 18-anyos at kapwa residente sa Sitio Mampili, Zone 6, San Pedro, Iriga City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na dalagita ang natagpuang patay matapos pagta­tagain ng kanyang pinsan na binato nito ng dalandan naganap kamakailan   sa Iriga City.

Ang biktima ay nakilalang si Crisel Fabellare, grade 9 student, habang sumuko naman ang suspek na kinilalang si Mark Francis Fabellare. 18-anyos at kapwa residente sa Sitio Mampili, Zone 6, San Pedro, Iriga City.

Batay sa report ng Iriga City-PNP, umaga noong Biyernes nang magpaalam ang biktima sa kanyang magulang na pupunta sa bukid para manguha ng mga gulay na kanilang uulamin.

Nagtataka ang mga magulang na hapon na ay hindi pa umuuwi ang biktima sa kanilang bahay kaya’t kinabahan na umano ang mga ito na posibleng may nangya­ring masama.

Kinabukasan araw ng  Sabado, alas-2:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may taniman ng mga mais na tadtad ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Natagpuan din ang itak 10-metro ang layo mula sa bangkay ng biktima na ginamit sa krimen.

Makalipas ang ilang araw, sumuko ang suspek dahil hindi kinaya ang konsensiya at inamin ang pagpatay sa kanyang pinsan.

Depensa nito na  big­la na lamang siyang binato ng dalandan ng biktima kaya nagalit siya at nilapitan niya ito pero tinangka siyang tagain ni Crisel, ngunit naagaw niya ang itak sa biktima at pinagtataga niya ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder na nakakulong na sa pulisya.

vuukle comment

CRISEL FABELLARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with