^

Probinsiya

Magtiyuhin patay sa tagaan ng kaanak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Kapwa nasawi ang 57-anyos na magsasaka at kanyang pamangkin habang sugatan ang isa pa matapos ang madugong tagaan ng magkakamag-anak  sa Sitio Mabatano, Brgy.Bubulusan ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City dahil sa malalalim na taga sa katawan ang biktimang si Jose Miranda Villanueva habang dead-on-the spot ang pamangking si Lito Broquesa Villanueva, 25-anyos.

Patuloy na inoobserbahan naman ang ka­lagayan sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang sugatang kapatid ni Lito na si Noel.

Sa ulat,dakong alas-7:30 ng gabi sa hindi pa malamang motibo habang armado ng itak ay inabangan ng magkapatid na Noel at Lito ang pag-uwi ng kanilang tiyuhin.

Ilang sandali pa ay nakitang pauwi na ang biktima at agad sinugod ng magkapatid. Gayunman, pumalag si Jose at nakipagtagaan din sa dalawang pamangkin dahilan para lahat sila ay duguang humandusay sa kalye.

Mabilis na sinaklolohan ng mga residente at ibang kaanak ang mga biktima pero agarang nasawi dahil sa malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-tiyo habang malubhang nasugatan ang isa pa.

vuukle comment

JOSEFINA BELMONTE DURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with