^

Probinsiya

Ika-56 anibersaryo ng Ifugao, ipinagdiwang

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

LAGAWE, Ifugao, Philippines — Matapos ang mahigit sa dalawang taon na walang selebrasyon dahil sa epekto ng pan­dem­ya dulot ng COVID-19, ipinagdiwang na rin ng mga residente ang ika-56 na founding anniversary ng lalawigang ito na tinawag na “Gotad ad Ifugao 2022”.

Ayon kay provincial tourism officer Roscoe Kalaw, tumatayo ring 2022 Gotad director general, ang tema ng nasabing selebrasyon ngayong taon ay “Dinalnogan di Punhanaan, Luminggopan ya Kiphodan” sa salitang Ifugao na ang ibig sabihin ay “Celebration of Thanksgiving, Recovery, and Development”.

Ayon kay Kalaw, nakasentro ang selebrasyo sa pagkilala sa mga ethnic skills, kultura at tradisyon ng mga katutubong Ifugao kabilang na ang promosyon ng ibat-ibang mga major tourism sites sa lalawigan.

Sinabi ni Kalaw na limitado lamang ang mga events ngayon para hindi maka-ipon ng maraming tao bilang pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan ng IATF dahil sa banta ng COVID-19.

Bagama’t wala ng kaso ng COVID sa lalawigan ay nasa ilalim pa rin ito sa alert level 2.

Nawala ang mga malalaking events tulad ng street dancing, float parade, search for Ms. Bugan and Mr. Wigan at ang kinagigiliwang traditional ethnic games na kadalasan ay nilalahukan ng mga residente sa bawat  bayan.

“Gotad is a nat=ive rite being performed to attain nobility,” pahayag ni Kalaw.

Ang lalawigan ng Ifugao ay kilala hindi lamang sa tanyag na rice terraces kundi ma­ging sa mga kakaibang craftsmanship at talento ng mga residente rito sa larangan ng wood carvings.

Dito rin matatagpuan ang makasaysayang Yamashita shrine kung saan sumuko ang Japanese Imperial Army na si General Tomoyuki Yamashita noong September 2, 1945, na naging hudyat sa pagtatapos ng World War II. 

vuukle comment

IFUGAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with