^

Probinsiya

Kagawad itinumba sa harap ng misis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

IROSIN, Sorsogon, Philippines — Bulagta sa ibabaw ng kanyang minamanehong tricycle ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang misis sa Brgy. Gabao ng bayang ito kahapon ng umaga.

Napuruhan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi noon din ang biktimang si Shyrma Jacob Medel, 38, residente at incumbent barangay kagawad ng Brgy. Bulawan, Irosin.

Tinutugis na ng mga pulis ang hindi nakilalang suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle kasama ang kan­yang misis at binabagtas ang barangay road patu­ngo sa Maharlika National Highway nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek na armado ng hindi mala­mang kalibre ng baril.

Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ng suspek ang biktima.

vuukle comment

BULAGTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with