^

Probinsiya

Kinukumpuning van sinalpok, mekaniko tepok

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang mekaniko ang nasawi matapos araruhin ng AUV ang kinukumpuni niyang van habang siya ay nasa ilalim, naganap sa tabi ng kalsada ng Brgy. Binogawan sa lalawigang ito,kamakailan.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay nakilalang si Benjie Tul-o, 40, ng Barangay Binugawan sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Nasa kustodiya na ng Kasibu-PNP ang suspek at driver ng AUV na kinilalang si Martin Cablinan.

Sa ulat ng Kasibu Police Station, nasa ilalim ang biktima at kinukumpuni ang van sa tabing kalsada sa nasabing barangay nang biglang sumulpot ang AUV na minamaneho ni Cablinan at nasalpok ang van na kung saan ay nakaladkad si Tul-o ng 3 metro.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inamin ng suspek na nakaidlip siya kaya nabangga nito ang van. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property si Cablinan.

vuukle comment

MEKANIKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with