^

Probinsiya

Kapitbahay maingay mag-videoke, nanutok pa ng baril; arestado

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

DINALUPIHAN, Bataan, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki matapos manutok ng baril nang sitahin sa ginagawang pagpapatugtog sa kanyang videoke sa Barangay Bayan-bayanan, dito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Dinalupihan Bataan Municipal Chief of Police Major Randy Apolonio, nakilala ang suspek na si Ruben Rendora, 56 anyos at residente ng nasabing bayan.

Nangyari ang insidente pasado alas-8 ng gabi matapos sitahin ng biktimang si Jay-ar Malang ang kapitbahay na si Rendora dahil sa malakas umano na pagpapatugtog nito ng videoke machine.

Sa halip na hinaan, lalo pa umanong nilakasan ng suspek ang volume nito dahilan upang magtalo ang dalawa hanggang sa magsuntukan. 

Matapos ito, umalis ang suspek at nang bumalik ay may bitbit nang improvised shotgun at tinutukan ang biktima.

Nagawa namang makatalilis ang biktima at dumiretso sa mga awtoridad na agad rumesponde sa lugar. Naabutan nila ang suspek at inaresto saka kinumpiska ang shotgun nito.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with