^

Probinsiya

Salpukan ng 2 motorsiklo: Rider nasawi, 1 pa kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang rider habang nasa kritikal na kondisyon ang isang binata matapos silang magsalpukan habang kapwa lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. San Roque, Naic, Cavite kahapon ng madaling araw.

Parehong nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang dalawang driver na agad ikinamatay ng biktimang si Dennis Gonzales Claros, 44-anyos, may asawa, factory worker at residente ng Naic, Cavite habang inoobserbahan sa Gen. E. Aguinaldo Hospital ang nakasalpukan nitong si Charles Kevin Cañete Arabe, 21, ng Naic Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Richard F. Atienza ng Naic Police, dakong ala-1:35 ng madaling araw habang kapwa bumabagtas at may kabilisan ang patakbo sa motorsiklo ng dalawang biktima sa kalsada ng Brgy. San Roque nang maganap ang aksidente.

Minamaneho umano ni Claros ang isang Raider motorcycle na walang plaka at patungong Naic town proper nang makasalpukan ang kasalubong na Suzuki Smash motorcycle ni Arabe.

Dahil sa sobrang lakas ng impact, tumilapon ang dalawang biktima at parehong napuruhan sa ulo. Agad silang itinakbo ng mga reponders subalit idineklarang dead-on-arrival si Gonzales habang hindi pa rin nagkakamalay ang isa pa hanggang sa kasalukuyan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with