^

Probinsiya

Magpinsan todas sa ambush sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magpinsan todas sa ambush sa Quezon
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Manuel Roxas alyas “Awel”, 51, may-asawa at suspek sa pamamaril noong Pebrero 12, 2022 at Randy Roxas, 26, kapwa  naninirahan sa Barangay Lusacan, Tiaong.
File

TIAONG, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga ‘di kilalang salarin ang magpinsan na ang isa rito ay suspek sa pamamaril kamakalawa ng umaga sa Sitio Tabura Silangan, Barangay Del Rosario ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Manuel Roxas alyas “Awel”, 51, may-asawa at suspek sa pamamaril noong Pebrero 12, 2022 at Randy Roxas, 26, kapwa  naninirahan sa Barangay Lusacan, Tiaong.

Tinutugis na ng pulis­ya ang mga suspek na nakilalang sina Frederick Renton, ng Candelaria at Allan Oliveros ng Barangay Del Rosario sa bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-10:45 ng umaga ay magkaangkas sa motorsiklo na dumating sa kakahuyan ang magpinsan na lingid sa kanilang kaalaman ay nag-aabang na ang mga suspek. Pagkakita sa mga biktima ay agad silang pinaulanan ng punglo ng mga salarin at nang matiyak na patay na ay tinangay pa sa kanilang pagtakas ang sling bag ni Randy.

Isa sa tinitingnang anggulo ng mga imbes­tigador sa krimen ay paghihiganti.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with