^

Probinsiya

Mag-ingat! Naglipana rin ang mga hacker at scammer sa YouTube

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-ingat! Naglipana rin ang mga hacker at scammer sa YouTube
Kamakailan lamang ay marami sa mga YouTube creator ang nabiktima ng hacker at nawala sa isang iglap lang ang kanilang mga pinaghirapan na content.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Gaano ba kaprotektado ang YouTube Channel mo?. Sa pahanong ito ay naglipana rin ang mga ‘kawatan’ na hacker at scammer sa YouTube kaya marapat lamang na mag-ingat sa mga ito.

Kamakailan lamang ay marami sa mga YouTube creator ang nabiktima ng hacker at nawala sa isang iglap lang ang kanilang mga pinaghirapan na content.

Tinatarget ng mga hacker ang mga creator na marami na ang mga subscriber o malaki na ang kanilang YouTube channel.

Gustung-gustong biktimahin ng mga hacker ang mga creator na mahigit sa 100,000 na mga followers at nabigyan na ng silver play botton award ng YouTube.

Bilang isang creator ay nais kung magbigay ng ilang tips kung papaano maiiwasan ang YouTube hacking.

Ang mga tips na aking ibibigay ay base rin sa rekomendasyon ng YouTube at mga bihasa sa Information Technology (IT).

Una, iwasan ang pag-download ng hindi maganda o masamang application. Huwag magpalinlang sa halip ay sagutin lamang ang mga mahalagang tawag sa iyong cellphone. Kung wala sa phonebook ang isang tumatawag ay mas mabuti pang huwag na munang sagutin sa halip ay i-text muna at kunin ang kanyang pangalan at itanong ang kanyang pakay.

Pangalawa ay iwasan ang mga kahina-hinalang website, huwag basta-basta ibigay ang password ng iyong account.

Pangatlo ay huwag mag-log-in sa mga public wifi o iwasan na makigamit ng free wifi sa mga pampublikong lugar, tulad ng mall, hotel, restaurant, store at iba pa.

Pang-apat ay gumawa ng “strong password” na naglalaman ng letter, symbol, number na walang kaugnayan sa iyong pangalan.

Panglima ay gumawa ng hiwalay ng gmail account sa iyong trabaho, negosyo at sa iyong YouTube channel.

Pang-anim ay huwag, tanggap nang tanggap ng mga offer at collaboration sa ibang channel sa halip ay i-double check muna kung ito ay lehitimo.

At pang-pito ay i-on ang two step verification ng YouTube para mabilis na maimpormahan tayo kapag may ibang gumamit ng ating account.

Sa kabila ng maingat ng paggamit ng account sa YouTube at na-hack ka pa rin ay pilitin mong ma-retrieve ito kung kaya pa.

Pero kung hindi na kaya ay magpatulong na tayo sa YouTube support team sa pamamagitan ng pagkontak sa kanila sa ibang media platform tulad ng twitter.

Maging sa Facebook, Online banking, negosyo, trabaho at iba pang media platform ay laganap din ngayon ang mga hacker at scammer kaya dobleng pag-iingat ang ating dapat gawin.

 

vuukle comment

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with