^

Probinsiya

2 arestado sa droga at pampasabog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 arestado sa droga at pampasabog
Sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga, ku­magat ang mga suspek sa inilatag na buy bust ­operation ng mga kasapi ng Balud Police, Masbate Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit,Provincial Intelligence Unit at 1st Provincial Mobile Force Company. Hindi na nakatakas ang dalawa nang maglabasan ang mga ­operatiba makaraang iabot nila ang shabu sa poseur buyer.
STAR/File

BALUD, Masbate, Philippines — Kalaboso ang dalawang tulak ng droga kabilang ang isang babae matapos mahulihan ng aabot sa P340,000 halaga ng shabu at makuhanan pa ng sangkap ng mga pampasabog sa ginawang buy-bust sa Purok Ba­lanak, Brgy. Tunga ng bayang ito kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Jyrel De Lima Dela Cruz alyas “Fritz”, 39-anyos, habal-habal driver at Bella Gabriel Banez, 56, pawang residente ng Purok Sampaguita, Brgy. Poblacion, Balud.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga, ku­magat ang mga suspek sa inilatag na buy bust ­operation ng mga kasapi ng Balud Police, Masbate Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit,Provincial Intelligence Unit at 1st Provincial Mobile Force Company. Hindi na nakatakas ang dalawa nang maglabasan ang mga ­operatiba makaraang iabot nila ang shabu sa poseur buyer.

Maliban sa isang malaking plastic sachet na may lamang 50-gramong shabu, nakuha sa mga suspek ang limang kilong ammonium nitrate at limang blasting caps na mga sangkap sa pampasabog. Kinum­piska rin sa kanila ang motorsiklo na ginagamit nila sa iligal na gawain.

vuukle comment

BOMBA

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with